Amalgama:Isang Denominasyong Kahihiyan

Ni ,

Maraming Adventists ang sasang-ayon na ang mga susunod na pangungusap ang siyang pinaka nakahihiyang turo na isinulat ni Ellen White. Ang sabi niya,

“Subalit kung mayroon mang isang kasalanan na higit sa anupaman na naghatid ng pagkasira sa lahi ng tao sa panahon ng Baha, iyon ay wala iba kundi ang kasuklam-suklam na kasalanan na amalgama ng tao at hayop, na siyang dumungis sa wangis ng Diyos sa tao at naghatid ng kalituhan saan mang lugar.”1
‘Bawat uri ng hayop na nilikha ng Diyos ay pinanatili’t iningatan Niya sa loob ng Daong. Ngunit yaong mga di-maunawaan o nakalilitong uri ng hayop na hindi nilikha ng Diyos, na naging bunga ng amalgama, ay namatay sa Baha. Noong panahon pa lang ng Baha, mayroon ng naganap na amalgama sa tao at hayop, na maari paring makita sa halos hindi mabilang uri ng mga hayop at maging sa ilang lahi ng mga tao.’2

Buod ng Pangunahing Turo ni Gng. White hinggil sa Amalgama

  1. Hindi mawaring kasuklam-suklam na kasalanan – Ibig sabihin, ang amalgama ay hindi basta-bastang kasalanan. Ito ay pangunahing kasalanan, ang “kasalanan na higit sa anupaman,” na tumawag sa “pagkasira” ng buong lahi ng tao.
  2. Pinaka kasuklamsuklam na kasalanang moral – Ito ay karimarimarim o “kasuklam-suklam na kasalanan.”
  3. Mapanira sa Wangis ng Diyos – Alam natin na nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis (Gen. 1:26). Ngunit dahil sa amalgama ay ‘nadungisan ang wangis ng Diyos’ sa tao.
  4. Ito ay naganap bago at matapos “ang Baha.”
  5. Ang katibayan ng Amalgama ay matatagpuan parin ngayon – At sinasabi na ang naidulot nito ay makikita sa “ilang lahi ng mga tao.”

Pagsusuri

Ellen White: Amalgama = Pag-aasawa sa Pagitan ng Lahing Itim at Puti

Book: The Negro a Beast

Sa Estados Unidos, sa pagbungad ng ikalabing-siyam na siglo, nagbigay ng paliwanag ang mga siyentipiko na sina Josiah Nott at Charles Cadwell na ang mga lahi ay nagmula sa mga magkahiwalay o magkaibang uri. At sa palagay ng siyentipiko na si Samuel Norton, ang lahi ng mga Negro ay mababang uri. Ang ganitong palagay ay dinamayan ng marami sa Timog at maging sa Hilaga; na ang mga negros ay mababang uri ng tao o kaya’y mga hayop. At kaylungkot na ang ganitong pakiramdam at palagay ay natagpuan rin sa ilang mga Simbahang-Kristyano, na kung saan yung mga ministro ay nagsimulang tawagin ang pag-aasawa ng Puti at Itim na lahi na amalgamang-kasalanan. At sa pagpapalaya ng mga alipin noong 1863, may ilang mga nangamba sa dumaraming pag-aasawa sa pagitan ng lahing Itim at Puti at ito’y ipinalagay na moral na kalapastanganan. May ilang mga pinuno rin ng Simbahang Kristyano na nagbigay babala na ang amalgama sa pagitan ng lahing Itim at Puti ay maghahatid ng moral na pagbulusok sa Estados Unidos. 

Sinabi ni Mason Stokes sa kanyang sulat: “Mula sa pagbungad ng usapin sa Amalgama noong 1860, ang paghahalo ng mga lahi o ang pag-aasawa sa pagitan ng Itim at Puti—ito siyang kasalukuyang kasalanan na titiyakin ang pagkawasak ng bansa.”3 At kaugnay nito, nagbalik-tanaw ang mga Kristyano sa pagkagunaw ng daigdig noong panahon ng Baha at itinuro ang sisi sa kasalanan ng amalgama. Halimbawa, noong 1860, isinulat ni Samuel Cartwright na ang ginawang “amalgama” ng lahi ni Adam sa “mababang uri ng lahi” ay nagdulot ng kasamaan sa mga nilalang bago dumating ang Baha.4 Tuloy, gamit ang pananaw na ito, naging palagay ng ilan na ang mga negroes ay mga hayop. Dagdag pa, ang kaisipang ito ay pinasikat ni Bucker Payne sa kanyang munting aklat, na kung saa’y itinanong niya, “Ang Negro…mayroon ba siyang kaluluwa? O siya ay isang hayop?”5 At yun nga, sa aklat na ito ay pinalabas niya na ang mga negroes ay mga hayop, walang kaluluwa at hindi nagmula sa lahi ni Adan. At tulad ng marami sa panahong iyon, ikinabahala niyang labis ang amalgama. Kaya’t isinulat niya: “Ang pinakamalaking pagkakasala na magagawa ng isang tao laban sa kanyang lahi, laban sa kanyang bayan, laban sa kanyang Diyos, ay ang ibigay at ipaasawa ang kanyang anak na babae sa isang negro—na isang hayop—o kaya’y ang kunin ang isa sa kanilang mga babae upang kanyang maging asawa.”6 At sa pagbabalik-tanaw sa mga tinuro ni Ellen White, nagbigay babala si Payne na kung ang isang bansa ay magpapatuloy na hayaan ang paghahalo ng mga lahi sa pamamagitan ng pag-aasawa sa isa’t isa, dapat nitong asahan ang sinapit na kapalaran ng sinaunang lahi. Wika niya: “Ang mga mamamayan na papanig sa ganitong pagkakapantay-pantay o sa amalgama ng Itim at Puti na mga lahi, sila ay gugunawin ng Diyos.”7 At bilang pagsang-ayon, ang ministro na si Charles Carroll, sa kanyang di-ginugustong aklat na pinamagatang The Negro a Beast, siya ay pumanig kay Buckler na ang mga negroes ay mga hayop. Sinabi niya na ang amalgama ay ang “pinaka nakahihiya at mapanirang kasalanan sa Kautusan ng Diyos.”8

Sa pagsasabuod ng pananaw na ito, ganito ang mga kataga na dapat nating tandaan:

  1. Amalgama – Ito ang pakikipag-asawa ng tao sa “hayop.”
  2. Hayop=Negro – Ang mga Negroes ay pinapalagay na mga hayop, isang mababang uri ng tao at walang kaluluwa.
  3. Kasuklam-suklam na Kasalanan – Ang amalgama ang siyang pinakamatinding kasalanan na tiyak na paparusahan ng Diyos, kung paanong ginunaw Niya ang sinaunang lahi na gumawa nito.

Noong 1864, nang malapit ng matapos ang Digmaang Sibil, si Ellen White, gamit ang mga ganitong nangingibabaw na pananaw, ay nagpadala ng kanyang pahayag hinggil sa amalgama. Ito’y ipinadala niya sa isang simbahan na halos binubuo ng mga Puti. At matapos na ang kanyang pahayag sa usapin ng amalgama ay nailimbag, may ilang Pastor na gustong tiyakin kung ano ang kanyang ibig sabihin. May dalawang Pastor na nagbalita tungkol sa sinabi ni James White kay Elder Ingraham, na ang sabi, “…na nakita ni White na hindi kaylanman ginawa ng Diyos ang Darkey.”9 Ang pangungusap na ito ay alinsunod sa naging puna ni Ellen White tungkol sa usapin ng lahi. At maging sa huling bahagi ng kanyang buhay, paulit-ulit niyang sinabi na “hindi dapat magkaroon ng pag-aasawa sa pagitan ng Puti at may kulay na lahi.”10

Walang duda na inulit lamang ni Ellen White ang himutok ng ilang mga Puting Kristyano noong Digmaang Sibil; na ang pag-aasawa sa pagitan ng lahing Itim at Puti ay amalgama ng tao (Puti) at hayop (Itim); na ito raw ay maghahatid ng poot ng Diyos sa isang bansa kung paanong bumagsak ang parusa ng Diyos sa sinaunang lahi na gumawa nito. Kaya’t taglay ang ganitong pagkakaunawa, ang kanyang pangungusap ay maaring basahin ng ganito:

“Subalit kung mayroon mang isang kasalanan na higit sa anupaman, na naghatid ng pagkasira sa lahi ng tao sa panahon ng Baha, iyon ay wala iba kundi ang kasuklam-suklam na kasalanan (bestialismo, Lev. 18:23) na amalgama (pag-aasawa) ng tao (Puti na lahi) at hayop (Itim na lahi), na siyang dumungis sa wangis ng Diyos (paghahalo ng lahi) sa tao at naghatid ng kalituhan saan mang lugar.”

Kaya’t maari nating sabihin gamit ang mga sumusunod na dahilan na…

  1. May iba sa mga manunulat na Kristyano sa panahon ni Gng. White na madalas gumamit ng “amalgama” upang ilarawan ang pag-aasawa ng Puti at Itim na mga lahi.
  2. Ang mga Kristyano mismo na ito ang laging tumutukoy sa lahing Itim bilang mga “hayop.”
  3. Sila rin ang mga nagsabi na ang pakikipag-asawa sa ibang lahi ay karimarimarim na kasalanan na naghatid ng pagkawasak sa daigdig dulot ng Baha.
  4. Kung ang mga Negroes ay hayop, ang pakikipagtalik sa kanila ay ituturing rin na bestialismo, na tinaguriang “kasuksuklam na kasalanan” (Leviticus 18:23).
  5. Ang mapag-aglahi o mapanghamak na puna ni Gng. White patungkol sa Itim na lahi ay akma sa pinupunto natin rito.
  6. “Mapandungis sa wangis ng Diyos” ang amalgama. Ang Puti na lahi ang kinikilala na siyang nagtataglay ng wangis ng Diyos. Subalit ang haluan sila ng hayop (Negroes) ay sisira sa wangis ng Diyos na taglay nila bilang tao.
  7. Ito ay naghatid ng “kalituhan saan mang lugar” dahil nagkaroon ng mga tao na mula sa pinaghalong lahi.

Kaya’t gamit ang mga dahilang ito, walang duda na ang amalgama na tinutukoy ni Ellen White ay tungkol sa pag-aasawa sa pagitan ng Itim at Puti na mga lahi.

Hindi Mabilang na Uri ng mga Hayop?

Si White ay nagpahiwatig sa pamamagitan ng kanyang mga sulat tungkol sa uri ng amalgama na nangyayari sa mga hayop. Walang anumang naitala sa Biblia tungkol rito. Bagkus, ang ating mababasa ay, nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng nilalang. Ngunit dahil si Ellen White ay mahusay sa pangongopya ng pananaw, ng ideya at kataga ng iba, dapat talagang suriin ang mga aklat na kanyang binasa upang malaman ang tunay na pinaghugutan ng kanyang sinasabi. Halimbawa, marami sa mga turo ni Gng. White tungkol sa panahon bago dumating ang Baha, na iyong mababasa sa aklat na Book of Jasher. Ang aklat na ito ay kathang-isip na tala tungkol sa kasaysayan ng daigdig. Inilathala ito noong 1840. At sa aklat na ito ay mababasa ang kwento tungkol sa mga taong nagsagawa raw ng amalgamang-eksperimento bago dumating ang Baha sa daigdig.

Ganito ang isa sa ating mababasa…

“…ang mga anak ng tao noong panahong iyon ay kumuha ng mga hayop sa lupa, mga hayop sa bukid at mga ibon sa himpapawid at nagturo’t nagsagawa ng paghahalo ng mga uri nito sa bawat isa.”11

Ipinapakita kung gayon sa kathang-isip na aklat na ito na ang mga sinaunang tao noong panahong iyon ay nagsigawa ng pagpapalahi sa mga hayop upang makalikha ng panibagong uri ng mga hayop. At maari nga na ito ang siyang tinukoy ni White ng sinabi niya ang katagang, “hindi mabilang na uri ng mga hayop.”

Kasuklamsuklam na Kasalanan

Batay sa kanyang kataga, tinawag ni Gng. White ang amalgama na kasuklamsuklam na kasalanan. Gamit ang Webster na diksyunaryo ng 1828, ang salitang ‘kasuklamsuklam’ ay binigyang kahulugan na “masama, walang kwenta o walang halaga.”12 Samantalang sa Webster diksyunaryo ng 1913, ito ay binigyang kahulugan na, “bagsak na moralidad.”13 Katumbas nito ang sa salitang, “hamak,” o bagay na karapatdapat kamuhian sapagkat hindi ito nagtataglay ng anumang kahalagahan. At ang pagtatalik sa pagitan ng tao at hayop ay pasok sa ganitong bansag na “kasuklamsuklam na kasalanan.”14 Ito ay talagang hinahatulan sa Biblia na isang kasuklamsuklam, na karapatdapat ng parusang kamatayan.15 At kung susuriin mo, ang kasalanan ng pangangalunya at pakikipagtalik sa hayop ay halos pantay sa kadustaan ayon sa batas ng Levitico:

Huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapwa, at dungisan ang iyong sarili kasama niya. (Lev. 18:20, TAB)
At huwag kang sisiping sa anumang hayop upang dungisan mo ang iyong sarili kasama nito, ni ang babae ay huwag ibibigay ang sarili upang makasiping ng hayop, ito ay mahalay na pagtatalik. (Ito ay kalituhan). (Lev. 18:23, TAB)

Sa buo niyang mga sulat, dalawang ulit lamang na ginamit ni Gng. White ang katagang “kasuklamsuklam na kasalanan.” Ang una ay tungkol sa sekswal na bintang ng asawa ni Potiphar kay Jose, na tumutukoy sa paglabag sa Lev. 18:20.16 At ang ikalawa ay sa amalgama na binabanggit sa Lev. 18:23. Minsan pa, ayon kay Gng. White, ang amalgama ay “naghatid ng kalituhan saan mang lugar” at iniugnay niya ito sa Lev. 18:23 na nagsasaad na ang bestialismo ay isang “kahalayan” o “kalituhan.” Kaya’t gamit ang mga piling kataga ni Gng. White na “kasuklamsuklam na kasalanan” at sa ibinunga nitong “kalituhan,” nagpapakita lang na ang amalgama na tinutukoy niya ay bestiaslismo.

Anong Lahi ang Bunga ng Amalgama?

Noong nailathala ni Ellen White ang katuruang ito noong 1864, ito ay pumukaw ng agarang kontrobersya at mga masasakit na puna. May iba na kinilala ito na mapag-aglahi o mapanghamak sa ibang lahi. May iba naman na pinagtawanan siya sa kanyang ideya tungkol sa lahi na ibinunga ng paghahalo ng tao at hayop. Tuloy, napilitan ang mga pinuno ng kanyang simbahan na maghanap ng lusot upang mapigilan ang kasiraan na ito laban sa dangal ng kanilang propeta. Ngunit ayon nga kay White, ang bunga ng amalgama ay maaring makita sa “ilang lahi ng mga tao.” Tuloy, hindi mapipigilang tanong ng marami: “Anong lahi ang bunga ng pagtatalik sa pagitan ng tao at hayop?”

Ngayon, kung ang pag-aasawa sa pagitan ng Itim at Puting mga lahi ay tunay ngang lumikha ng bagong lahi ng mga tao, sino sila? Ito ang siyang mainit na tanong sa Simbahan noon na bagamat naging mapagpahinuod sa ibang mga lahi matapos ang Digmaang Sibil, ngunit ginulo ng tanong na ito. Kaya naman, si Uriah Smith,17 na isang pinuno sa Adventist, ay inatasang gumawa ng paliwanag upang mapahupa ang kaguluhan. At noong 1866, dalawang taon matapos ang pahayag hinggil sa isyu ng amalgama, si Smith ay naglathala ng pagtatanggol para kay Ellen White. Dito ay mababasa yung kanyang pagsusumikap na bigyan ng maayos na kahulugan ang ilan sa mga kakatwang pahayag ni Ellen White. Sa serye ng mga sanaysay na lumabas sa Adventist Review, matatagpuan ang unang opisyal na pahayag ng Seventh-day Adventist tungkol sa amalgama. At batay sa pagsasapantaha ni Smith, ang pagtatalik raw sa pagitan ng tao at hayop ay talagang lumikha ng bagong lahi “gaya ng sa kasong makikita sa mga Bushmen sa Africa, sa ilang tribo ng Hottentots, at marahil pati narin sa Digger Indians.18

At upang matiyak sa mga kaanib ng SDA na ang paliwanag ni Smith ay aprobado ng kanilang pamunuan, muling inaral sa General Conference ang kanyang mga sulat bago ito ilathala sa Review. Matapos nito, ang pamunuan ay nagbigay ng “taus pusong pagsang-ayon” sa mga paliwanag ni Smith at muling ipinalimbag ang mga sanaysay nito upang maging isang aklat.19 Sinabi rin na “maingat” itong inaral ni James White bago ito mailathala. May papuri niya itong inirekomenda sa mga mambabasa ng kanilang opisyal na magazine, Review and Herald. Ganito ang kanyang sinabi,

“Kalalathala pa lang ng ating Asosasyon sa aklat na pinamagatang, ‘The Visions of Mrs. E.G. White, A Manifestation of Spiritual Gifts According to the Scriptures.’ Ito ay isinulat ng editor ng Review. Sa pagbabasa ko ng manuskrito nito, naramdaman ko ang pasasalamat sa Diyos dahil ang ating mga kawan ay nagkaroon ng mahusay na pagtatanggol para sa mga paniniwalang kanilang iniibig at pinapahalagahan, bagamat kinamumuhian at nilalabanan ng iba.”20

Tulad ng nabanggit, maingat raw na binasa ng asawa ng propeta ang aklat ni Smith. At tungkol riyan ay hindi natin matatawaran na palagpasin yaong pahayag ni Smith tungkol sa Bushmen sa Africa. Sapagkat sa pagbibigay-tibay ni James White sa aklat ni Smith, ipinahayag rin niya ang kanyang pagsang-ayon sa mga paliwanag na nasusulat rito. At dahil itinuring niya na ang aklat na ito ay magpapatibay sa pahayag ni Gng. White, si James at Ellen ay kumuha ng 2,000 na kopya ng aklat ni Smith at ipinamahagi ang mga ito sa isang kampo ng pagtitipon ng taon ding iyon.21 Kaya’t sa pagtataguyod at pamamahagi ng aklat ni Smith, ibinigay ng mag-asawang White ang kanilang basbas sa mga paliwanag na nasusulat sa aklat hinggil sa amalgama. 

Kaya’t balik sa tanong: sino ang mga kawawang lahi na binansagan ng pamunuan ng Seventh-day Adventist na paghahalo ng mga tao at hayop? Ngunit bago mo sagutin ang tanong na iyan, masdan mo muna ang mga larawan sa ibaba at tingnang mabuti kung sila nga ba ay mga tunay na tao sa daigdig na ito.

Mga Binansagan ng SDA na Amalgamang-Lahi
Bushmen sa Africa22 Hottentots23 Digger Indians24
Ang mga Bushmen ay mga Afrikano na namumuhay sa timog ng Africa. "Batay sa genitikong katibayan, sila ay maituturing na pinakamatandang lahi sa daigdig - 'genitikong nagmula kay Adan'… kung saan ang pinagmulan ng lahat ng namanang genitiko ay matatagpuan." Ang mga Khoikhoi ay mga Afrikano sa timog-kanluran ng Afrika na may malapit na kaugnayan sa mga Bushmen. Sila ay binansagan ng mga Puti na Hottentots - itinuturing na mapagdustang bansag. Ang katagang "Digger Indians" ay tumutukoy sa Paiute na tribo ng Indian na namumuhay sa timog-kanluran ng Estados Unidos. Sila ay binansagang "diggers," marahil dahil sa kanilang gawi na maghukay ng mga ugat ng mga halaman, bagamat ngayon ang kataga ay isa naring pandudusta.

Kaya’t masasabi ko na kaylungkot na ang propeta ng SDA at ang pamunuan nito ay nabigong kilanlin ang mga “Bushmen” – na kanilang binansagan na kalahating-tao at kalahating-hayop – na tunay na nagtataglay ng genitikong tanda na sila ay mga ninuno ng buong lahi sa mundo; na sila ay genitikong tunay at buong-buong tao na katulad ng Puting lahi! Kaya’t ang hindi matatakasang tanong ay: paano na yung kanilang itinuturing na kinasihang propeta ay lubhang nagkamali tungkol rito?

Mga Iskolar ng SDA, Napilitang Magpalusot upang Ipaliwanag ang Pangahas na Turo ni White

Dapat malaman na noong panahon na isinulat si Gng. White ang kanyang pahayag, naniniwala ang iba na…

“…ang paghahalo sa pagitan ng mga tao at mga hayop ay lumikha ng hiwalay na lugar na tinirhan ng mga gorillas, chimpanzees, ng mga Bushmen sa Africa, Patagonians at Hottentots.”25

Gamit ang pananaw na ito, lumabas na kapanipaniwala ang paliwanag ni Uriah Smith. Sapagkat sa halip na amalgama sa pagitan ng mga Puti at Itim na lahi ang naganap (na walang duda na ito ang talagang ibig sabihin ni Ellen White), pinaikot ni Smith ang kahulugan ni White sa pagsasabing ang amalgama na naganap ay sa pagitan ng pagtatalik ng tao at hayop – na nagbunga ng panibagong lahi o etnikong grupo ng mga tao. Subalit kahit na ang “Bushmen sa Africa” ay tila magandang paliwanag para sa mag-asawang White, kay Smith at pati narin sa 1866 General Conference, ngunit sa kalauna’y tumagilid ang paliwanag na ito at hindi na pinanigan ng mga sumunod na henerasyon na namuno sa SDA. Ito ay dahil sa naging lubhang mahirap na talaga na bigyang lusot ang pahayag na ito sa mga edukado at sa pananaw ng iba’t ibang lahi.

Gayunma’y sa kabila ng ganitong kontrobersiya, ang simbahan ng SDA ay nagpatuloy ng halos 80 taon habang pinanghahawakan ang katuruan ni Gng. White tungkol sa isyung ito. Subalit, noong 1947, isang Adventist biologist na nagngangalang Dr. Frank Marsh ay nagtagumpay na makumbinsi ang panel sa SDA. Aniya, ang pahayag ni Gng. White tungkol sa amalgama ay dapat na ipaliwanag na tungkol sa pagitan ng mga hayop at hindi sa pagitan ng mga tao at mga hayop. Batay sa mahusay na paliwanag ni Dr. Marsh, ang paghahalo sa pagitan ng tao at hayop ay imposibleng mangyari. Kaya’t kahit na tinindigan nina James White, Uriah Smith, W.C. White (anak ni White) at ng sekretaryang si D.D. Robinson na ang turo ni Gng. White ay tumutukoy sa paghahalo ng tao at hayop, subalit sa harap ng siyentipikong katibayan, imposibleng ipagtanggol ang sinabi ni Gng. White batay sa kanyang ibig sabihin.26 Tuloy napilitan silang mamili: ang lunukin ang masakit na katotohanan na mali si Gng. White, o ang kumatha ng bagong paliwanag. At iyan nga ang ginawa ng mga iskolar ng SDA, ang maghanap ng lusot.

Francis D. Nichol

At di kalaunan, ang Adventist iskolar na si Francis D. Nichol, sa kanyang aklat na Ellen G. White and Her Critics, ay nagsabi na ang salitang “amalgama” ay ginagamit raw noong ika-19 na siglo bilang panukoy sa pag-aasawa sa pagitan ng Itim at Puti na mga lahi. Gamit ito, naging palusot ni Nichol na ang paggamit ni Ellen White ng salitang ‘amalgama” ay tumutukoy sa pagsasama ng lahing may magkaibang pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay binigyan niya ng bagong anyo ng paliwanag ang turo ni Gng. White, na ito pala ay amalgama sa pagitan ng “tao at tao.” Ang ibig sabihin, ito ay pagsasalo o pagkaka-ugnay sa pagitan ng magkaibang lahi o magkaibang relihiyon. Subalit ang tanong: ang ganito bang paliwanag ay kapanipaniwalang sagot sa masalimoot na isyu ng amalgama?

Pag-aasawa sa pagitan ng mga Lahi?

Masasabi ko na ang paliwanag ni Nichol ay nakatulong sa pagsasaalis ng kutya sa mapanghamak na salitang “hayop.” Nagawa niyang ipaliwanag na ang turo ni Gng. White sa amalgama ay tungkol sa pagitan ng tao at tao – bagamat hindi naman talaga ito ang tunay na kahulugan ni White. Subalit hindi napagtakpan ng paliwanag ni Nichol ang mapag-aglahing pangungusap ni White. Bagkus, ito pa nga ay naghatid ng maraming palaisipan. Narito ang ilan:

Gamit ang ganyang mga tanong, halatadong hindi papasa ang teorya ng “pakikipag-asawa sa ibang lahi” bilang paliwanag. Isa pa, karaniwan ng kaugalian ang makipag-asawa sa ibang lahi ng mga Adventist ngayon, ika-20 at ika-21 siglo. Kaya’t kung tutuusin, ang “paliwanag” ni Nichol ay matagal ng ibinasura. 

Pag-aasawa sa pagitan ng Mananampalataya at Di-mananampalataya?

Ang isa pang teorya ni Nichol upang ipaliwanag ang amalgama ay ang sabihin na ito ay tungkol raw sa pag-aasawa sa pagitan ng Mananampalataya at Di-mananampalataya. Nakatulong sa pananaw na ito yung minsang paggamit ni Gng. White ng katagang “amalgama” na may kinalaman sa bayan ng Diyos na nakikiisa sa mga makasalinbutan.27 Subalit, ang paliwanag na ito ay hindi parin angkop sa tunay na kahulugan ni Gng. White na mababasa sa kanyang aklat na Spiritual Gifts. Paliwanag ni Gordon Shigley:

“Mahirap basahin ang mga pangungusap gamit ang kanilang kinatutungkulan na hindi mo makita yaong mga kasalanan, na kung saan yung huling kasalanan – ‘kasalanan na higit sa anupaman’ ang siya talagang tinutukoy. Kaya’t malabong ang pakikipag-asawa sa ibang lahi ang tinutukoy ni Ellen White gayong kasasabi palang niya na ito ay kasalanan…hindi maari kung gayon na ang amalgama ng hayop sa hayop o tao sa tao ang siyang higit sa anupamang kasalanan kumpara sa idolatriya, pangangalunya, pagkakaroon ng maraming asawa, pagnanakaw o pagpatay.”28

Kaya nga, ating makikita na ang pakikipag-asawa sa ibang-pananampalataya ay hindi yaong nangingibabaw, o ang napakasama at kasuklam-suklam na kasalanan na naghatid ng pagkalipol sa sinaunang kabihasnan. Ang sabihin na ito nga ay gayon ay magbibigay ng maraming katanungan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 

Hayag kung gayon na ang ganitong paliwanag ay hindi mapanghahawakan.

Ang Amalgama ba ang pinakadahilan ng Baha?

Kung tama man si Ellen White na ang “isang kasalanan na higit sa anupaman na naghatid ng pagkasira sa lahi ng tao” ay amalgama, bakit hindi nabanggit ang gayong kasalanan sa Genesis? May mga binanggit na kasalanan at kasamaan sa Genesis 6:11-13, ngunit hindi nabanggit ang amalgama. Kung talagang ang amalgama ang siyang “isang kasalanan na higit sa anupaman” na naghatid ng Baha, dapat sana’y nabanggit ito ni Moises! Hindi maaring palampasin ni Moises ang gayong kasalanan?

Bakit ang mga itinuturing na “kinasihang” pahayag ay inalis?

Kung ang mga pahayag na katuruan sa amalgama ay talagang tama, bakit inalis ito ng kapatiran noong muling ilimbag ang mga turo ni Gng. White sa kanyang aklat na Patriarchs and Prophets? Naghatid ng maraming tanong ang ganitong hindi maunawaang pagsaaalis. Ilan rito ay ang mga sumusunod:

Sa kahulihulihan at ang siyang pinakamahalaga: bakit kinailangang burahin yaong mga propetikal na pahayag sa mga huling limbag na sulat ng kanilang propeta – si Ellen White? Marami ang paulit-ulit na nagtanong tungkol rito sa loob ng mahigit 100 mga taon. Ang pagsasaalis ng mga pahayag hinggil sa amalgama ay lumikha ng maraming kontrobersya, na anupat nagpasya ang White Estate na dapat silang magbigay ng paliwanag sa gayong pagsasaalis. Kaya’t ang anak ni Ellen na si W.C. White ay nagbigay paliwanag. Ganito ang sabi niya,

“Hinggil sa dalawang talata ng pangungusap na matatagpuan sa Spiritual Gifts at The Spirit of Prophecy, na pumapatungkol sa amalgama at ang dahilan kung bakit sila inalis sa mga huling limbag ng mga aklat, at maging sa tanong tungkol sa kung sino ang dapat managot sa pagsasaalis sa mga iyon, ako ay makapagsasalita ng buong linaw at may ganap na katiyakan. Ang mga ito ay inalis ni Ellen G. White mismo. At walang sinuman ang may karapatan na gawin iyon liban sa kanya, at wala akong narinig kaninuman na nag-alok sa kanya ng payo tungkol sa ganitong bagay.”
 “Kaya’t sa lahat ng katanungan tungkol rito, may katiyakan nating masasabi na si kapatid na White ang siyang may pananagutan na mag-alis o magdagdag ng anuman sa mga huling limbag ng ating mga aklat.”
“Si kapatid na White ay hindi lamang may matalinong pasya na batay sa malinaw at mabusising pagkakaunawa sa mga kinakailangan at maging sa anumang ihahatid na bunga ng paglalathala ng kanyang mga isinulat; kundi siya rin sa maraming pagkakataon ay nagbigay ng mga tagubilin na mula sa anghel ng Panginoon hinggil sa mga bagay na dapat niyang alisin at sa kung ano ang dapat idagdag sa mga huling limbag.”29

At iyan nga ang talagang paliwanag. Ngayon ay alam na natin ang tunay na dahilan. Subalit pag-isipan pa natin ang mga katanungang ito:

Ngunit hindi, hindi maaari! Sapagkat batay sa maliwanag na pangungusap ng anak ng propeta, inalis niya ang mga pangungusap na iyon sapagkat isa sa mga espiritu na gumagabay sa kanyang mga sulat ay tinagubilinan siya na gawin ang bagay na iyon. Kaya’t tuloy, ang huli nating tanong ay ito:

Bakit hindi inutos ng anghel na alisin yung gayong mga pangungusap bago niya ito ilathala?